LET Reviewer - General Education (FILIPINO - Panitikan)


Taking the Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT), formerly known as Licensure Examination for Teachers (LET)? Try our online reviewer to enhance your knowledge on Professional Education below.


You may also download its PDF version or follow us on Facebook for more sample quiz.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Panuto: Pillin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang _______ ay mahabang pasalaysay ng kagitingan ng bida na minsan ay hango sa karaniwang pangyayari.
a. kantahin
b. tula
c. epiko
d. oda


Answer: C. EPIKO



2. Ang _______ ay isang anyo ng tula na may sukat na bilang ng pantig ngunit walang tugma.
a. berso
b. blangkong berso
c. soneto
d. elehiya


Answer: b. blangkong berso



3. Ang _______ ay isang uri ng dula na may layuning magpatawa sa pamamagitan ng bukambibig at pananalitang nakakatawa.
a. farce
b. ode
c. soneto
d. epiko


Answer: a. farce



4. Ang _______ ay kuwentong may aral na kung saan ay mga hayop ang karaniwang bida.
a. alamat
b. sanaysay
c. pabula
d. talambuhay


Answer: c. pabula



5. Ang _______ ay tungkol sa mga nararapat na kilos at pag-uugali ng mga kababaihan.
a. Florante at Laura
b. Monika
c. Ibong Adarna
d. Urbana at Felisa


Answer: d. Urbana at Felisa



6. Ang _______ ay isang awit na paborito ng mga Tagalog.
a. Oyayi
b. Kundiman
c. Ligawan
d. Kumintang


Answer: b. Kundiman



7. _______ ang kauna-unahang aklat na inilimbag ng mga Kastila.
a. Bibliya
b. Doctrina Cristiana
c. Kodigo ni Kalantiyaw
d. Pater Noster


Answer: b. Doctrina Cristiana



8. _______ ang madalas gamitin ni Rizal na sagisag sa kanyang mga akda.
a. Taga-ilog
b. Tikbalang
c. Laong-Laan
d. Pingkian


Answer: c. Laong-Laan



9. Si Rizal ay sumasag-ayon sa pagbubukas ng paaralan para sa mga babae kayat siya’y sumulat para sa mga kababaihan ng _______.
a. Laguna
b. Batangas
c. Malolos
d. Pampanga


Answer: c. Malolos



10. Ang _______ ay isang kuwentong naglalarawan ng pagkutya sa mapang-abusong prayle.
a. Fraile
b. Fray Botod
c. Hibik ng Pilipina
d. Padre Salve


Answer: b. Fray Botod



11. Ang _______ ay isang anyo ng panitikan na kung saan ang mga salita ay isinaaayos na may bilang ang pantig sa bawat taludtod.
a. sanaysay
b. soneto
c. tula
d. awit


Answer: c. tula



12. Ang _______ ay nagpapahayag ng kuru-kuro at paninindigan ng patnugutan ng pahayagan, kaugnay sa napapanahong isyu o pangyayari.
a. editoryal
b. patnugot
c. pangulong-tudling
d. a at c


Answer: a. editoryal



13. Naglalayon ito na magdulot ng kawilihan sa isang piling pangkat ng mambabasa ukol sa mga paksang hindi pa ganap na nababatid ng mga pinag-uukulan.
a. Sanayan na di pormal
b. Sanayan na pormal
c. Sanaysay
d. wala sa nabanggit


Answer: a. Sanayan  na di pormal



14. Ito ay isang mabisa at kalugod-lugod na paraan ng pagbigkas na naglalayong ihatid ang kaisipan at damdamin hinggil sa isang paksa.
a. Talumpati
b. Sanaysay
c. Balagtasan
d. Lahat ng nabanggit


Answer: a. Talumpati



15. Sino ang tinaguriang ama ng pelikulang Pilipino na nagtayo ng kauna-unahang kompanya ng pelikula sa bansa na tumatalakay sa kalagayan ng mga tao?
a. Narcisa Reyes
b. Jose Nepomuceno
c. Jose Reyes
d. Jose Perez


Answer: b. Jose Nepomuceno



16. Kung susuriin ang kwentong Asyano na “Mga Magnanakaw” ni Yanti Soebiakto, ito ay nagpapamalas ng anong teoryang pampanitikan?
a. Sikolohikal
b. Sosyolohikal
c. Markismo
d. Dekonstruksyon


Answer: b. Sosyolohikal



17. Ang talata sa ibaba ay mula sa anong kilalang tula:
ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

a. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
b. Ang Posporo ng Diyos
c. Ako ang daigdig
d. Huling Paalam


Answer: c. Ako ang Daigdig



18. Siya ang sumulat ng titik ng “Lupang Hinirang.”
a. Jose Palma
b. Julian Felipe
c. Josefa Llanes Escoda
d. Marcela Agoncillo


Answer: a. Jose Palma



19. Ang pahayagan ng Katipunan na nagkaroon ng una at huling paglimbag noong Marso 1896 ay tinawag na _______.
a. Kalayaan
b. La Solidaridad
c. Diariong Tagalog
d. El Heraldo de la Revolucion


Answer: a. Kalayaan



20. Sino ang sumulat ng tulang may pamagat na “Ang Kadakilaan ng Diyos”?
a. Gregorio del Pilar
b. Andres Bonifacio
c. Jose Rizal
d. Marcelo H. del Pilar


Answer: d. Marcelo H. del Pilar



21. Ang tinaguriang obra maestro ni Severino Reyes na kanyang naisulat sa unang bahagi ng panahon ng mga Amerikano ay ang _______.
a. Huling Pati
b. Walang Sugat
c. Ang Kalupi
d. Bagong Fausto


Answer: b. Walang Sugat



22. Tinawag siyang “Orador ng Pagbabago” dahil sa pagiging matapang at mapusok na orador upang makamit ng Pilipinas ang pagbabago mula sa bansang mapang-api.
a. Gregorio H. del Pilar
b. Antonio Luna
c. Graciano Lopez Jaena
d. Andres Bonifacio


Answer: c. Graciano Lopez Jaena



23. Si Jose dela Cruz ay tinawag na Hari ng mga Makata sa katagalugan. Tinawag din siyang _______.
a. Huseng Sisiw
b. Huseng Batute
c. Sinag-Ina
d. Agapito Bagumbayan


Answer: a. Huseng Sisiw



24. Siya ay kilala sa tawag na “Prinsipe ng Manlilimbag sa Pilipino.”
a. Modesto de Castro
b. N.V.M. Gonzales
c. Tomas Pinpin
d. Jose Maria Panganiban


Answer: c. Tomas Pinpin



25. Ano ang naging kaugnayan sa panitikang Pilipino ng pagkakapatay ng tatlong paring martir?
a. Nagpasigla ito sa diwang Pilipino.
b. Ginising nito ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.
c. Nagdulot ito ng paglaganap ng anarkiya sa bansa.
d. Naimpluwensyahan nito ang diwang alipin ng mga Pilipino.



Answer: b. Ginising nito ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Like this set of practice questions? Download all other LET Reviewers in PDF form here.

Post a Comment

7 Comments

Search This Blog