LET Reviewer - General Education (FILIPINO - Pag-unawa sa Binasa)

Taking the Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT), formerly known as Licensure Examination for Teachers (LET)? Try our online reviewer to enhance your knowledge on Professional Education below.


You may also download its PDF version or follow us on Facebook for more sample quiz.




------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Panuto: Pillin ang titik ng tamang sagot.

                                                       

I.

Pagsasaranggola

Maraming bata ang nagtatakbuhan paakyat ng bundok. Ang saya-saya nilang lahat. Maaliwalas ang langit at hindi mainit ang sikat ng araw. Katamtaman lamang ang ihip ng hangin at bagay na bagay para sa pagpapalipad ng saranggola.

Higit na mababa ang paglipad ng malaking saranggolang pula ni Luis kaysa sa saranggolang
dilaw ni Albert. Tila naman eroplano ang saranggola ni Samuel. Iyon ang pinakamataas sa lahat ng saranggola na lumilipad sa himpapawid.

“Kuya,” tawag ni Ana, ang maliit na kapatid ni Samuel. “Tulungan mo po akong paliparin ang
aking saranggola.” Hawak ni Ana ang isang saranggolang kulay lila at gawa sa makapal na papel. “Sige, halika at tuturuan kita,” ang sagot ng kanyang kuya. Masayang nagpatuloy sa paglalaro ang mga bata.

1. Alin sa mga salita ang naglalarawan sa mga bata sa kwento?
a. Malikot
b. Masaya
c. Maingay
d. Maalalahanin


Answer: b. Masaya



2. Anong klaseng panahon ang mayroon ng araw na iyon?
a. Mainit
b. Maaliwalas
c. Mahangin
d. Malamig


Answer: b. Maaliwalas

   

3. Ano ang ginagawa ng mga bata?
a. Nagpipiknik sa parke
b. Naglalaro ng taguan
c. Nagpapatintero
d. Nagpapalipad ng saranggola


Answer: d. Nagpapalipad ng saranggola



4. Kaninong saranggola ang pinakamataas ang lipad?
a. Kay Samuel
b. Kay Albert
c. Kay Luis
 d. Kay Ana


Answer: a. Samuel



5. Sino ang nagpapatulong na magpalipad ng kanyang saranggola?
a. Si Albert
b. Si Ana
c. Si Samuel
d. Si Mark


Answer: b. Si Ana



II.

Ayon sa salaysay ng unang Kastilang misyonerong si Antonio de Morga, ang kabuuan ng bahay ng ating mga ninuno ay yari sa kawayan at pawid. Walang bahay na bato noon sapagkat inangkop nila ang kanilang tahanan sa klima ng bansa. Malalayo ang agwat ng mga bahay bagamat laging nagkakasama at nagtutulungan ang mga tagaroon sa anumang pangkatang gawain. Walang gusaling pambayan na pagtitipunan ang mga tagaroon para sa pagtalakay sa anumang bagay na pulitikal o pagdaraos ng seremonya o pananampalataya.


6. Anong lahi ang nagsasalaysay ng uri ng tahanan at pamumuhay ng ating mga ninuno ayon sa texto?
a. Pilipino
b. Amerikano
c. Espanyol
d. wala sa nabanggit


Answer: c. Espanyol



7. Ang bahay ng mga katutubo ay yari sa pawid at kawayan sapagkat _______
a. higit na masarap tumira sa pawid na bahay
b. hindi nila gusto ang bahay na bato
c. inangkop nila ito sa mainit na klima ng bansa
d. wala sa nabanggit


Answer: c. inangkop nila ito sa mainit na klima ng bansa



8. Ano ang hindi naging hadlang sa pagtutulungan ng mga tagaroon para sa mga pangkatang gawain?
a. Mga misyonerong Kastila
b. Mga bahay na yari sa kawayan at pawid
c. Malalayong agwat ng mga bahay
d. Mga bahay na bato


Answer: c. Malalayong agwat ng mga bahay



a. Lumang Tahanan
b. Pawid at Kawayan
c. Bahay Kubo
d. Tahanan ng Katutubo




Answer: d. Tahanan ng Katutubo



III.

Isang aso ang naghuhukay sa lupa. Tuwang-tuwa siya nang makakita siya ng isang malaking buto na nakabaon kung saan siya naghuhukay. Dali-daling kinagat ng aso ang buto upang dalhin sa kanyang tirahan. Ngunit nang siya ay malapit na sa kanyang bahay ay may nadaanan siyang isang malalim na ilog. Pinagmasdan niya ang tubig sa ilog at doo’y nakita niya ang kanyang anino. Akala ng aso ay mayroon pang isang asong may kagat na buto sa ilalim ng tubig. Naisip ng aso na agawin ang buto na kagat-kagat ng aso sa tubig. Tinahulan niya ito. Dahil dito, nahulog sa sapa ang butong kagat-kagat ng aso. Sa lalim ng tubig ay hindi na niya nakuha pa ang buto. Umuwing gutom at malungkot ang aso. Dahil sa kanyang kasakiman ay nawala ang pagkain na hawak niya.

a. Karne
b. Ginto
c. Buto
d. Kuwintas



Answer: c. Buto



a. Sa sapa
b. Sa parke
c. Sa lupa
d. Sa kanyang bahay



Answer: d. Sa kanyang bahay



a. Malaking isda
b. Malalim na tubig
c. Buto
d. Ang kanyang anino


Answer: d. Ang kanyag anino




13. Ano ang ginawa ng aso sa kanyang nakita sa sapa?
a. Kinain niya ito.
b. Kinamusta niya ito.
c. Tinapik niya ito.
d. Kinahulan niya ito.


Answer: d. Kinahulan niya ito.



14. Ano ang aral na makukuha natin sa pabula?
a. Huwag maghukay sa lupang hindi iyo.
b. Huwag makipag-usap sa hindi kilala.
c. Huwag maging sakim.
d. Huwag maging marapot.


Answer: c. Huwag maging sakim.



IV.


Pinarangalan ang dalawang pulis na nagpamalas ng katapangan sa magkakahiwalay na operasyon sa Surigao del Norte at Agusan del Norte, nitong nakaraang taon.

Bukod sa ‘Medalya ng Sugatang Magiting’, tumanggap din ng cash assistance sina PO2 Genuel Agbayani at PO1 Danilo Valenzuela sa flag raising ceremony sa nasabing lungsod, nitong Lunes.

Bukod sa P110,000 financial assistance, binigyan din ng Presidential Management Staff ng tig-isang cell phone at baril ang dalawang pulis.

Pinangunahan ni Police Regional Office (PRO)-13 director, Chief Supt. Noli Romana ang awarding ceremony.

Matatandaang sugatan si Agbayani nang makipagbakbakan ang grupo nito sa drug syndicate habang sila ay nagsasagawa ng surveillance operation sa Barangay Luna, Surigao City noong Maro 11, 2017, habang si Valenzuela ay nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan matapos makasagupa ng tropa nito ang grupo ng mga rebelde sa Bgy. Aclan, Nasipit, Agusan del Norte, noong Agosto 2 ng nakaaang taon.




15. Sino-sino ang pinarangalan?
a. Sina PO2 Gemuel Agbayani at PO1 Danilo Valenzuela
b. Sina PO1 Genuel Agbayani at PO1 Danilo Valenzuela
c. Sina PO2 Gemuel Agbayani at PO1 Danilo Valenzuela
d. Sina PO2 Genuel Agbayani at PO1 Danilo Venezuela


Answer: b. Sina PO1 Genuel Agbayani at PO1 Danilo Valenzuela




16. Bakit sila pinarangalan?
a. Dahil sa kanilang pagsusumikap
b. Dahil sa kanilang katapatan
c. Dahil sa kanilang kahusayan sa pakikipaglaban
d. Dahil sa kanilang katapangan


Answer: d. Dahil sa kanilang katapangan




17. Alin sa mga sumusunod ang hindi natanggap ng dalawa bilang gantimpala?
a. Medalya ng Sugatang Magiting
b. Pinansyal na tulong
c. Bahay at lupa
d. Baril


Answer: c. Bahay at lupa



a. Sindikato
b. Rebelde
c. Terorista
d. Magnanakaw



Answer: a. Sindikato



a. Mga sugat sa katawan
b. Tama ng bala sa katawan
c. Pilay sa braso
d. Pagkabulag



Answer: b. Tama ng bala sa katawan



a. 2015
b. 2016
c. 2017
d. 2018



Answer: d. 2018



V.

Paborito ni Mika ang panahon ng tag-init. Ito ay dahil sa panahong iyon niya mas nararamdaman ang pagiging bata. Marami siyang nagagawa kapag maganda ang panahon.  Tuwing tag-init, tinatawag siya ng mga kaibigan para maghabulan. Nakapamamasyal din silang mag-anak sa parke at nakakaligo sa dagat. Higit sa lahat, nadadalaw niya ang kanyang Lola Martha sa probinsya.

Ngunit ang pinakapaborito ni Mika sa panahon ng tag-init ay ang pagkain ng halo-halo. Halos araw-araw ay binibilhan siya ng kanyang nanay ng halo-halo na tinda ni Aling Lusing.

Kaya kapag dumating na ang panahon ng tag-ulan ay walang magawa si Mika kung hindi ang mapabuntong-hininga at mapailing. Kapag may ulan sa Maynila, siguradong may bahay.

a. Dahil gusto niyang kumain ng halo-halo
b. Dahil kapag may ulan, may baha.
c. Dahil gusto niyang mamasyal.
d. Dahil mas nararamdaman niya ang pagiging bata.



Answer: d. Dahil mas nararamdaman niya ang pagiging bata.



a. Sa probinsya
b. Sa kabilang barangay
c. Sa kanto
d. Sa ibang bansa



Answer: a. Sa probinsya



a. Dahil mainit
b. Dahil gutom siya
c. Dahil paborito niya
d. Dahil pinipilit ni Aling Lusing



Answer: c. Dahil paborito niya



a. Maglaro
b. Mamasyal
c. Makapagbakasyon
d. Makapanahi



Answer: d. Makapanahi



a. Hindi siya makakakain ng halo-halo
b. Wala siyang payong
c. May sakit ang kanyang mga kalaro
d. Baha sa Maynila



Answer: d. Baha sa Maynila



 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Like this set of practice questions? Download all other LET Reviewers in PDF form here.



Post a Comment

0 Comments

Search This Blog